Tennis at wushu tatalakayin sa PSA Forum ngayon
(Pang-masa) - October 29, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bibisita si tennis prodigy Alex Eala sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa unang pagkakataon ngayon sa Amelie Hotel-Manila.

Ilalahad ni Eala, ang No. 13 sa world junior rankings, ang kanyang mga plano matapos sumabak sa World Super Juniors Tennis Championships.

Sasamahan siya ng kanyang amang si Mike Eala sa pang alas-10 ng umagang sesyon.

Dadalo rin sina wushu duo Agatha Wong at Daniel Parantac sa progra­mang inihahandog ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Sasabak sina Wong at Parantac sa wushu event ng darating na 30th Southeast Asian Games na nakatakda sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with