Valdez bilib sa inilalaro ni Galanza para sa Creamline
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - October 29, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Para kay two-time Premier Volleyball League (PVL) Most Valuable Player Alyssa Valdez, isang high-caliber at MVP material na ang isa sa mga outside hitter ng Creamline na si Jema Galanza.

Sa mga nagdaang laban ng kanyang tropa sa Open Conference ng PVL ay ipinakita ni Galanza ang kanyang kakayahan nang isa siya sa mga sinandalan ng Cool Smashers hanggang sa muli silang makatungtong sa Finals ng torneo.

Ayon kay Valdez, hindi lamang sa loob ng court naipapamalas ng dating Adamson Lady Falcons ang kanyang husay at galing kundi maging sa labas.

“Well Jema is a very well-rounded volleyball pla­yer not just inside the court and as a teammate also and I think that’s very important as a MVP level caliber player not just inside the court,” sabi ni Valdez. “But it’s really your character and attitude towards your teammates, towards the people around you the outside of the court and Jema has everything.”

Maganda ang ipinapakita ni Galanza sa All-Filipino tourney dahil pangatlo siya sa best spikers ng liga na may 14.13 points per game at 36.43 efficiency rate, habang nasa ika-pitong puwesto siya sa digging de­part­ment sa average na 3.10 digs per set.

Nakalusot din siya sa top 10 sa best receiver nga­yong kumpirensya nang pumangatlo tangan ang 47.22 efficiency rate at sa service department naman ay mayroon siyang 0.37 serve per set.

“Honestly, ever since college, since Adamson days we have seen the potential of Jema to be this powerful, this skillful, the MVP level of her. But right now I guess it’s really timing na ibinigay sa kanya na gina-grab niya na makikita natin lahat,” panapos ni Valdez.

ALYSSA VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with