Munzon ‘di sasali sa PBA Rookie Draft
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - October 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagnipis ng paparating na 2019 PBA Rookie Draft.

Ito ay matapos ipagpaliban ni top prospect Joshua Munzon ang kanyang aplikasyon upang tulungan ang bansa na maisakatuparan ang pangarap na makabalik sa Olympic Games sa susunod na taon sa Tokyo, Japan.

“I will not be entering the draft this year,” wika ng Fil-Am sensation.

Isa si Munzon sa mga inaaabangang draftee ngayong taon subalit hindi na iyon mangyayari sa biglaan niyang desisyon.

Si Munzon ang top-ranked 3x3 player ngayon sa bansa kaya’t desididong ipagpatuloy ang 3x3 stint para sa bayan.

Manlalaro ng Pasig Chooks, hangarin ng 24-anyos na Munzon na maibalik ang Pilipinas sa prestihiyosong Summer Games mula nang huling makapasok noong 1972 Munich Olympics.

“This one’s really special because it’s the dream of my family to me and represent the country, play for Gilas one day. It’s a huge honor,” dagdag niya.

Sa pangunguna ni Munzon kasama ang ilan pang top 3x3 players na sina Santi Santillan, Alvin Pasaol, Franky Johnson at Troy Rike ay nakalapit ang Pilipinas sa naturang Olympic dream.

Sa ngayon ay nasa top 24 ang bansa sa world 3x3 rankings na siyang magbibigay sa kanila ng tiket papasok sa FIBA 3x3 Olympic Qualifying Tournament kung saan ang top 24 3x3 countries lamang ang aabante.

Sumunod si Munzon kina Santillan at Pasaol sa listahan ng mga manlalarong hindi lalahok sa PBA Draft sa Disyembre 8.

 

PBA ROOKIE DRAFT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with