Alyssa, myla magkakasubukan sa kanilang semifinals series
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - October 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Simula na ng giyera ng apat na koponan para sa kanilang inaasam na korona sa Premier Volleyball League (PVL) Sea­son 3 Open Confe­rence sa Game One ng best-of-three semifinal se­ries sa The Arena sa San Juan City.

Haharapin ng nag­de­depensang Creamline Cool Smashers ang karibal na Motolite nga­yong alas-2 ng ha­pon kasunod ang tapatan ng PetroGazz An­gels at BanKo Perlas Spikers sa alas-4.

Sasabak sa semifinals ang Cool Sma­shers bitbit ang mataas na kumpiyansa matapos walisin ang double-round eliminations tampok ang 25-19, 25-22, 24-26, 25-16 pagpapa­dapa sa Motolite.

Ipaparada ng Creamline ang nagbabalik-tro­pa na sina Alyssa Val­dez at Jia Morado, nag­mula sa Japan kasama ang Nationals para sa kanilang trai­ning camp bilang paghahanda sa 30th Southeast Asian Games, katuwang sina Je­ma Galanza, Michele Gumabao, Pau Soriano at Risa Sato.

Susubukan naman ng Motolite na makabawi ma­­karaang mawalis ng kanilang karibal sa pre­li­mina­ries.

Sasandalan ng Moto­lite sina Myla Pablo, Tots Carlos, Isa Molde, Iris Tolenada, Bern Flo­ra, Ma­rist Layug, Jessma Ramos at Thang Ponce.

Samantala, pipilitin na­man ng Gazz Angels na muling makatuntong sa Finals para patunayan sa lahat na kaya nilang manalo kahit walang im­ports.

Napatatag ng Petro­Gazz ang kapit sa No. 2 spot nang igupo ang Choco Mucho, 25-18, 25-21, 25-18, noong Mi­yer­kules.

Muli nilang aasahan si­na Jonah Sabete, Chie Saet, Paneng Mercado, Jovielyn Prado, Cherry Nu­­nag, Jeanette Panaga at Cienne Cruz.

Sa panig naman ng Perlas Spikers ay susubukan ni­lang makapasok sa Fi­nals at muling kakapit  ki­na Dzi Gervacio, Sue Roces, Nicole Tiamzon, Kathy Bersola, Roma Do­romal, Jem Ferrer at Princess Balang.

ALYSSA VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with