^

PM Sports

UP Maroons kumapit sa 2nd

Pang-masa
UP Maroons kumapit sa 2nd

MANILA, Philippines — Nagsalpak ng tatlong crucial free throws si Jun Manzo sa endgame  upang takasan ng UP Fighting Maroons ang mapanganib na NU Bulldogs, 80-77 sa Season 82 UAAP Men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Pumukol si Manzo ng dalawang freethrows upang makaabante ang UP, 79-75 sa huling 13 segundo ng final canto ngunit nakakuha ng foul si Shaun Ildefonso kay Bright Akhuetie na na-ging daan para makadikit ang NU, 77-79, 11.5 segundo pa.

Na-foul naman ni Ildefonso si Manzo na umiskor ng split freethrow, may 10.7 segundo pa ang oras na natitira.

“‘Di ako kabado, kasi pinapractice ko naman ‘yun (freethrow) palagi sa training.” ani Manzo. “Nag e-extra ako sa free throw, so pagdating ng game, may mga ganyang tira, kinakapalan ko na lang mukha ko para ma- shoot.”

May tsansa sanang makatabla ang Bulldogs mula sa triple ni Shaun Ildefonso sa huling 3 segundo ng laban ngunit nagmintis ito.

“We may have a bad defensive day but in the end what’s important,  we know how to win in the end, ‘yun lang naman ang importante eh.” pahayag ni Coach Bo Perasol.

Dahil dito, kumapit sa segunda ang UP bitbit ang 8-4 win-loss record.

Hindi umubra ang 24 puntos, tig-6 na rebounds at assist ni Dave Ildefonso para buhatin ang NU na lalong nabaon sa ilalim hawak ang 2-10.

Sa ikalawang laro, pinatalsik ng FEU Tamaraws ang Adamson Soaring Falcons sa final four matapos makuha ang 63-60 desisyon at umangat ang baraha sa 7-6.

Umiskor ng tig-11 puntos sina Wendell Comboy, LJ Gonzales, Ken Tuffin para pangunahan ang puwersa ng Tamaraws at ibaba ang biktima sa 4-8 slate.

Sa ikatlong laro, kumolekta si Jamie Malonzo ng 23 puntos at pitong rebounds para pamunuan ang DLSU Green Archers na malampasan ang takot kontra UST Growling Tigers, 80-79 at buhayin ang tsansa na makapasok sa Final Four.

Umangat ang kartada ng Green Archers sa 6-6 record sa solo fifth spot habang bumagsak naman ang baraha ng UST sa 7-6. (PJCarpio)

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with