^

PM Sports

16-0 sweep ng Creamline

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Winalis ng defending champions na Creamline Cool Smashers ang double-round eliminations ng Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference nang talunin nito ang Motolite para itarak ang malinis na 16-0 na baraha, 25-19, 25-22, 24-26, 25-16 kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Bagama’t wala ang dalawang ace players na sina Alyssa Valdez at Jia Morado dahil sa kanilang national team duty, muling binalikat nina Jema Galanza at Michele Gumabao ang tropa patungo sa tagumpay na ito.

Tumapos ang dating Lady Falcon na si Galanza ng 23 puntos mula sa 20 attacks at 3 aces at may sahog itong 21 receptions habang tumipak naman ng 14 marka at 23 digs si Gumabao upang ibaba ang Motolite sa 10-6.

“Siyempre happy kasi medyo talaga nakulangan lang ‘yung ngayong game kasi ang daming errors, medyo na-ano lang ako na sana parang good sana ‘yung tapos ng eliminations. Pero okay naman din kasi hindi naman nagbago ‘yung confidence namin,” saad ni Galanza.

Tinapos naman ng Philippine Air Force Lady Jet Spikers ang kanilang kampanya sa 28-26, 25-20, 26-28, 26-24 panalo sa PacificTown-Army Lady Troopers para nakawin ang ikalimang puwesto sa leader board ta-ngan ang 8-8 kartada.

Apat na manlalaro sa Lady Jet Spikers ang nagrehistro ng double-digit sa pangunguna nina veteran players Dell Palomata at Judy Caballejo na nakalikom ng tig-15 puntos sa kanilang pangalan para ibagsak ang PacificTown Army sa 6-10.

Tumipak din ng 13 marka si Joy Cases habang nagsumite si May-Ann Pantino na may 10 puntos, 25 digs at 20 receptions.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with