Standhardinger haharap sa SMB
Russell Cadayona (Pang-masa) - October 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagdadala sa kanya ng San Miguel sa NorthPort ay ang pagkahulagpos kay Christian Standhardinger ng tsansang makatikim ng PBA Grand Slam.

“I wish I could’ve had a chance to win a Grand Slam. But it is what it is, and I think the players of San Miguel are great, and I only wish them the best,” wika ni Standhardinger.

Ibinigay ng Beermen, naghari sa nakaraang 2019 PBA Philippine Cup at Commissioner’s Cup, ang 6-foot-8 Fil-German big man sa Batang Pier kapalit ni 6’8 Fil-Tongan Moala Tautuaa.

Sa unang pagkakataon ay makakaharap ni Standhardinger ang mga dati niyang teammates sa pagsagupa ng NorthPort kontra sa San Miguel sa 2019 PBA Governor’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Bukod sa hindi pagkakasundo sa kanyang mga kakampi sa Beermen ay inireklamo rin ni Standhardinger ang kakulangan niya ng playing time sa ilalim ni coach Leo Austria.

“Sa amin, siguradong lalaro siya over 30 mi-nutes a game,” pagtiyak ni Batang Pier mentor Pido Jarencio kay Standhardinger na nagtala ng mga averages na 4.0 points at 4.7 rebounds sa loob ng 11 minutong paglalaro para sa SMC franchise.

Bukod kay Standhardinger ay ipaparada rin ng NorthPort si import Michael Qualls bilang kapalit ni Mychal Ammons sa layuning mapalakas ang tsansa nila sa eight-team quarterfinals.

Samantala, magtutuos naman ang Blackwater at Rain or Shine sa alas-4:30 ng hapon.

Tinapik ng Elasto Painters si dating Road Warriors reinforcement Kwame Alexander para palitan si Kayel Locke sa kanilang pagharap sa Elite.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with