Gilas tuluy-tuloy ang training
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - October 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kahit ang umiinit na 2019 PBA Governors’ Cup ay ‘di mapipigilan ang Gilas Pilipinas sa pagtodo nito sa idinaraos na training camp, isang buwan na lamang bago ang kampanya sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games (SEAG).

Sa ikalawang sunod na linggo, kumpleto ang 15-man training pool ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone sa pagpapatuloy ng kanilang camp kamakalawa ng gabi sa Meralco Gym.

Dumalo sa pagsasanay ang Barangay Ginebra core ni Cone na sina Greg Slaughter, LA Tenorio, Stanley Pringle, Japeth Aguilar, Art Dela Cruz at Scottie Thompson kahit pa kagagaling lang sa umaatikabong laban kontra Magnolia noong Linggo ng gabi.

Galing lang din sa laban kontra sa Columbian sa parehong araw ang San Miguel Beer pero ganado pa ring nakipag-ensayo sina June Mar Fajardo, Marcio Lassiter at Chris Ross.

Naroon din sina Vic Manuel ng Alaska, Matthew Wright ng Phoenix gayundin sina Tory Rosario, Jasyon Castro at RR Pogoy ng Talk ‘N Text.

Kahit kaka-trade lang, hindi pa rin naawat ang bagong Northport player na si Christian Standhardinger sa paglalaan ng panahon para sa national team.

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with