Gustong ma-sweep ng Creamline
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - October 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Elimination round sweep ang tatangkaing madagit ng defending champions na Creamline Cool Smashers sa pakikipagtuos nito sa Motolite Volleyball sa huling laro ng preliminaries ng Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Magbabanggaan bandang alas-4 ng hapon ang dalawang koponan matapos ang bakbakang Air Force at PacificTown-Army sa alas-2 at sa alas-6 ng gabi naman ang sagupaang Choco Mucho at PetroGazz.

Matayog ang Cool Smashers sa solo top seed hawak ang 15-0 record matapos igupo ang BanKo Perlas Spikers, 25-22, 27-25, 25-14 noong Linggo.

Muling kakapit ang Creamline kina Jema Galanza, Michele Gumabao at Kyle Negrito na hahalili kina Alyssa Valdez at Jia Morado na kasama ng Nationals sa Tokyo, Japan para sa sumabak sa kanilang training camp doon pero magbabalik din ang mga ito sa Biyernes para samahan ang Creamline sa semifinals ng liga sa Sabado.

Kasama nina Galanza, Negrito at Gumabao sa hu-ling ratsada nito na sina Rosemarie Vargas, Risa Sato, Pau Soriano, Heather Guino-o at Kylie Atienza.

Sa panig naman ng Motolite, gusto pa nilang pagandahin ang 10-5 record sa ikatlong puwesto matapos nilang masikwat ito nang matalo ang Perlas Spi-kers (10-6).

Kumpiyansa rin sa larong ito ang Motolite nang maiposte nito ang ikatlong sunod na tagumpay matapos walisin ang PacificTown-Army Lady Troopers, 25-21, 25-23, 25-14 noong Sabado.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with