Mahalagang laro para sa UP at UST
(Pang-masa) - October 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pangungunahan uli nina Kobe Paras at Jun Manzo ang UP Fighting Maroons sa pagharap sa laglag nang NU Bulldogs sa asam na ikawalong panalo na maglalagay sa kanila sa magandang katayuan sa Season 82 UAAP men’s basketball tournament na magpapatuloy ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Makakaharap uli ng Fighting Maroons ang NU Bulldogs sa alas-10:30 ng umaga na susundan ng bakbakan ng Adamson Soarling Falcons at FEU Tamaraws sa alas-12:30 ng tanghali habang sasagupain ng Santo Tomas Tigers ang La Salle Archers sa alas-4 ng hapon.

Nagtala si Star forward Paras ng 21 puntos habang nag-ambag naman ng 17 markers si Manzo para pangunahan ang Fighting Maroons na burahin ang 12-point deficit sa fourth quarter tungo sa 81-77 win laban sa Adamson Soaring Falcons noong Linggo.

Sa nasabing panalo, umangat ang baraha ng State U sa 7-4 win-loss record sa likod ng nag- dedepensang Ateneo Blue Eagles (12-0) na highly favored laban sa sibak na sa kontensiyon na NU na may 2-9 record.

Pinataob ng Fighting Maroons ang Bulldogs, 80-79 noong Setyembre 18 at kung makakaulit sila ay hihigpit ang kapit sa No. 2.

Tangan ang 6-6 kartada, kailangan ng FEU Tamaraws na magwagi kontra Adamson Falcons upang malagay sa pang-apat na puwesto.

Puntirya naman ng UST Growling Tigers na makaresbak sa first round tormentor na De La Salle Green Archers upang magkaroon ng tsansang maagaw ang No. 2 sakaling matalo ang UP sa unang laro. (PJCarpio)

UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with