Eala kinapos sa Super Jr. netfest
Chris Co (Pang-masa) - October 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasungkit ni Alexandra Eala ang runner-up trophy sa 2019 World Super Junior Tennis Championships-Osaka Mayor’s Cup na ginanap sa the Utsubo Tennis Center sa Osaka, Japan.

Nagkasya sa pilak ang fourth seed Pinay netter matapos lumasap ng 2-6, 4-6 kabiguan kay top pick at world No. 8 Diane Parry ng France sa championship round ng girls’ singles event.

Masaya si Eala sa kanyang pagtatapos dahil hindi birong makaabot sa finals ng isang International Tennis Federation (ITF) Grade A tournament tulad nito.

“Finished this incredible tournament a finalist. It’s a super experience here at the World Super Juniors,” pahayag ni Eala.

Nakapasok sa finals si Eala matapos maglista ng 6-3, 6-4 panalo laban kay 15th seed Mara Guth ng Ger­many sa semis habang namayani naman si Parry kay No. 7 Mai Napatt Nirundorn ng Thailand sa hiwalay na semis game, 6-4, 6-3.

Nauna nang iginupo ni Eala sina Erika Matsuda ng Japan sa first round, 7-6 (1), 6-3; Manami Ukita ng Japan sa second round, 6-0, 6-2; Diana Shnaider ng Russia sa third round, 6-1, 6-3; at Punnin Kovapitukted ng Thailand sa quarterfinals, 3-6, 5-2, 2-0 (retired).

Inaasahang muling aangat si Eala, No. 27 ranked, sa world ranking sa oras na ilabas ng ITF ang bagong listahan.

TENNIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with