Knights tutusukin ang best record sa MPBL
(Pang-masa) - October 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng San Juan Knights ang best record sa Maharli­ka Pilipinas Basketball League Lakan Season sa kanilang pagsagupa sa Muntinlupa Cagers bu­kas sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Makakatapat ng Knights ang Cagers sa ga­nap na alas-9 ng gabi.

Magtutuos naman ang Bataan Risers at Pa­rañaque Patriots sa alas-6:30 ng gabi matapos ang upakan ng Rizal Xentro Mall Golden Co­olers at Imus-Khaleb Shawarma Bandera sa alas-4 ng hapon.

Nasa tuktok ng 16-team North division bit­bit ang kanilang 16-2 record, hangad ng Knights na maungusan ang Davao Occidental Ti­gers, tangan din ang 16-2 baraha, sa 15-team South division.

Sinandigan sina star gunner John Wilson at high-leapers Mike Ayonayon at Jhonard Clarito, tinalo ng Knights ang Valenzuela SVP Top Marketplace, 78-68, noong Oktubre 15.

Inaasahang tatalunin ng Knights ang Ca­gers, nagdadala ng 4-14 marka.

Samantala, ang ika­a­pat na sunod na panalo ang itatala ng Risers (10-8) sa pagharap sa Pat­riots (7-12).

Hangad naman ng Bandera (4-13) na ma­ka­kalusot sila laban sa Ri­zal (3-12) na nasa four-game losing skid.

MAHARLI­KA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with