UST, Ateneo nanalasa sa UAAP swimming
(Pang-masa) - October 22, 2019 - 12:00am

LOS BAÑOS, Laguna , Philippines — Ki­numpleto ng University of Santo Tomas ang kanilang ‘ma­gical run’ patungo sa pagkopo sa boys at girls titles sa UAAP Sea­son 82 swimming championships noong Linggo dito sa Trace Aqua­tic Center.

Isinara ng Junior Tigersharks ang four-day meet bitbit ang 461.59 points para sa kanilang ikatlong korona sa hu­ling apat na taon.

Muli namang nasakmal ng Junior Lady Tigersharks ang titulo sa ka­nilang 419 points.

Ito ang pang-walong UAAP championship ng UST sa boys’ division at ika-11 sa girls’ side.

“Overjoyed ang mga bata. Hindi namin ma-contain ‘yung emo­tions,” wika ni UST coach Agot Alcantara sa double-title run nila.

Pumangalawa naman ang La Salle Zobel sa naitalang 370.50 points sa boy’s division.

Hinirang si Wacky Santos ng Ateneo bilang Most Valuable Player ma­tapos walisin ang pi­to niyang events, ang huli ay sa boys’ 200-meter butterfly sa bilis na 2:09.98.

Pumangatlo naman ang Blue Eaglets sa ka­nilang 197 points.

Muling kinilala si Ca­mille Buico ng Lady Tigersharks bilang UAAP MVP tampok ang record na 2:24.04 sa girls’ 200-meter but­terfly na bumura sa three-year-old marka na 2:25.30 ni Suzanne Himor ng Ateneo.

Sumegunda ang Uni­versity of the Phi­lip­pines Junior Lady Ma­roons sa kanilang 297 points kasunod ang 2018 champion De La Salle-Zobel Junior Lady Tankers na may 277 points.

Samantala, sina Ro­bin Seranillo ng UST at Aubrey Tom ng UP ang hinirang na Rookie of the Year.

Sa men’s division, ni­­langoy ng Blue Eagles ang kanilang ikaanim na sunod na korona.

Bagama’t wala na si­­na star tankers Jessie Lacuna at Aldo Batung­bacal ay nagawa pa rin ng Blue Eagles na magposte ng 353 points laban sa 343 points ng La Salle Green Archers, 322 points ng UST Tigers at 193 points ng UP Fighting Maroons.

“It was really one of our best championships. Sobrang daming naging roadblocks talaga, not just our MVPs gra­dua­ting, but also mayro­on ka­­ming swimmer nag­ka-appendicitis, mayro­ong went into depression, and other problems na for a time we almost lost that belief na we could still win,” wika ni Ate­neo swimming pro­gram director Archie Lim.

Hinirang si Jiron Ro­toni ng Blue Eagles bilang UAAP Rookie of the Year.

Sa women’s class, pi­­namunuan ni Chloe Da­­os ang pagkopo ng La­dy Eagles sa korona.

Nagtala ang Lady Eagles ng 458 points pa­­ra angkinin ang ka­nilang ikaanim na su­nod na kampeonato.

Tam­pok dito ang se­ven-gold medal haul ni Daos.

SWIMMING UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with