Mag-focus sa mga events na may tsansang manalo
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - October 22, 2019 - 12:00am

Nanawagan ni Sen. Manny Pacquiao sa mga sports policymakers ng bansa na mag-focus sa sports disciplines kung saan may tunay na pag-asa ang mga Pinoy na mangibabaw sa world stage at eventually masungkit ang pinakamimithing unang medalyang ginto sa Olympics.

Kasabay noon ang pagtawag din niya sa mga sports philanthropists at private backers na tingnan ang perspektibong ito.

Kasunod ito ng gold-medal showing nina gymnast Caloy Yulo at lady boxer Nesthy Petecio kum­pa­ra sa kulelat na showing ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup.

Mas malakas siguro ang dating ng kanyang pana­wagan kung siya ang mangunguna dito.

Halimbawa na lamang ang kaalaman na niya na isang katerba na ang tumutulong sa mga basketbo­lista pero doon din siya nag-invest sa pagbuo ng MPBL.

“Just like many Filipinos, I love basketball and there is nothing wrong with it. But as far as the go­vernment’s sports development policy is concerned, we should refocus our resources and energy on other sports because there is no way that we could beat bigger and faster players in world basketball,” ani Pacquiao sa panayam ng Inquirer.net.

Hindi ko alam kung tama ang hugot na ito dahil parang wala naman talagang kamay ang gobyerno sa national team program at privately funded ang Gilas Pilipinas sa kabutihang loob ni businessman-sportsman Manny V. Pangilinan.

Dapat sigurong tingnan ni Sen. Pacquiao ang ibang school of thought.

Halimbawa, sa halip na tawagan ang mga gaya nila Pangilinan na “i-refocus ang resources at ener­gy” sa ibang sports, bakit hindi manghikayat ng ibang mayayaman na tumulong sa mga sports disciplines na tingin niya ay nangangailangan.

At siya na rin ang manguna.

Dahil buo na ang MPBL, puwede niya siguro itong gawing regional competition ng sports disciplines na bright Olympic prospect.

****

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with