Phoenix ipinalit si Gee kay Phelps
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - October 21, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Patuloy ang pagdagsa ng mga dating NBA players sa PBA.

Ito ay matapos kunin ng Phoenix si dating NBA player Alonzo Gee bilang ka­palit ni resident import Eugene Phelps.

Si Phelps ang long-time import ng Phoenix simula pa noong 2016 at sa 2019 PBA Governor’s Cup ay nagtala siya ng mga averages na 28.43 points, 15.43 rebounds, 5.57 assists at 1.43 blocks para sa 2-5 baraha ng Fuel Masters.

Sa katauhan ni Gee ay umaasa ang Phoenix na makakablik sila sa playoff race lalo’t may apat na laro pang nalalabi sa kanilang kampanya.

Bagama’t undrafted noong 2009 NBA Rookie Draft ay nakapasok pa rin si Gee para sa Washington, San Antonio, Cleveland, Denver, Portland at New Orleans.

Beterano rin si Gee, produkto ng Alabama, ng NBA G-League.

Ang Florida-native ang ikatlong ex-NBA players matapos sina KJ McDaniels ng TNT Katropa at Manny Harris ng NLEX.

Noong nakaraang taon ay ipinarada rin ng Tropang Texters si dating Houston Rocket forward Terrence Jones na nadala sila hanggang sa Finals ng 2019 PBA Commissioner’s Cup bago yumukod sa San Miguel Beermen na sumandal kay Chris McCullough.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with