Ang tirada sa ilalim ni bagong San Miguel power forward Moala Tautuaa laban kay Columbian import Khapri Alston. (
photo ni Jun Mendoza
Beermen iginarahe ang Dyip
Russell Cadayona (Pang-masa) - October 21, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Ipinarada ng San Mi­guel si Moala Tautuaa.

Ngunit mas gumawa ng ingay si import Dez Wells.

Humakot si Wells ng 39 points, 9 rebounds, 5 assists at 2 blocks para iha­­tid ang Beermen sa 113-107 paggiba sa Co­lum­bian Dyip sa 2019 PBA Governor’s Cup ka­ha­pon sa Smart Araneta Co­liseum.

Sinosyohan ng San Mi­­guel ang NLEX sa ikalaang puwesto sa magka­tulad nilang 5-1 kartada.

“Sa first half he was ve­ry emotional. He thought that he can win it alone,” sabi ni coach Leo Austria kay Wells, muntik nang sugurin si Jackson Corpuz sa huling tatlong minuto ng laro matapos tirahin ng Columbian forward sa tagiliran. “Ilang be­ses na siyang tinira, ka­ya hindi na niya kayang tanggapin sa isip niya.”

Nalasap ng Dyip, nakahugot kay import Khapri Alston ng 38 markers, 25 boards at 5 assists, ang kanilang ikaapat na kabiguan sa pitong laban.

Nagdagdag naman si five-time PBA MVP June Mar Fajardo ng 19 points para sa SMB franchise kasunod ang 15, 12 at tig-10 markers nina Alex Cabagnot, Terrence Romeo, Arwind Santos at Tautuaa, ayon sa pagkakasunod.

Matapos kunin ng Co­lumbian ang 95-94 abante ay nagtuwang sina Wells, Santos at Fajardo para ibi­gay sa San Miguel ang 100-95 kalamangan sa hu­ling 3:27 minuto ng fourth quarter.

Ang Flagrant Foul Pe­nalty 1 kay Corpuz sa hu­ling 3:09 minuto ng laro ang nagpainit sa ratsada ng Beermen para ibaon ang Dyip sa 109-97 sa hu­ling 2:07 minuto.

At mula rito ay hindi na nakabangon ang tropa ni mentor Johnedel Car­del.

Tumipa sina No. 1 overall pick CJ Perez at Juami Tiongson ng tig-18 points para sa Columbian, habang may 17 at 12 markers sina Rashwan McCarthy at Jackson, ayon sa pagkakasunod.

 

BEERMEN DYIP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with