Tigers, Stars nagposte ng panalo sa Maharlika Pilipinas Basketball League
(Pang-masa) - October 21, 2019 - 12:00am

Passi City, Iloilo , Philippines —Na­lampasan ng Davao Ti­gers ang ilang beses na pagdikit ng Iloilo Uni­ted Royals para ku­nin ang 89-76 panalo at manatili sa tuktok ng South division  ng Mahar­lika Pilipinas Basketball League Lakan Season dito sa City of Passi Arena ka­ma­kalawa ng gabi.

Nakalapit ang Royals sa 67-68 matapos ang triple ni Mark Racho sa 7:58 minuto ng fourth pe­­riod.

Nagsalpak si veteran Mark Yee ng pito sa  10-point salvo ng Tigers patungo sa ka­nilang ika-16 panalo sa 18 laro.

Nahulog naman ang Royals sa 9-7.

Tumapos si Yee na may 23 points at 16 rebounds para banderahan ang Davao Occidental kasunod ang 13, 12 at 11 markers nina Yvan Lu­dovice, Bonbon Custo­dio at Marco Balagtas, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan naman ni Richard Escoto ang Iloilo mula sa kanyang 19 points.

Samantala, tinakasan ng Manila Stars ang Pa­say Voyagers, 73-72, para palakasin ang ka­nilang tsansa sa top four spot sa North division.

Itinaas nina Aris Dio­nisio, Marvin Hayes at Car­lo Lastimosa ang Stars sa 73-69 sa huling 43 segundo kasunod ang 3-point play ni Dhon Re­verente para sa 72-73 agwat ng Voyagers, habang nabigo si Axel Iñigo na ipanalo ang tropa.

MAHAR­LIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE LAKAN SEASON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with