^

PM Sports

Tapatang Ginebra at Magnolia

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bubuksan ng Barangay Ginebra at Magnolia ang bagong kabanata sa kanilang pamosong rivalry sa isa na namang edisyon ng Manila Cla-sico ngayon sa umiinit na 2019 PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Magpapangbuno ang magkaribal na Kings (2-2) at Hotshots (3-3) sa alas-7 ng gabi para sa misyong makawala mula sa buhol-buhol na gitnang bahagi ng standings ng umaatikabong season-ending conference. Magsasalpukan muna ang San Miguel Beer (4-1) at Columbian Dyip (3-3) sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon.

Magkabilang dako ang pinagmulan ng Ginebra at Magnolia papasok sa kanilang paghaharap.

Galing sa malaking 129-124 tagumpay ang Kings kontra sa Beermen noong nakaraang Linggo habang kinapos naman ang All-Filipino na Hotshots kontra sa Blackwater, 89-95 nitong Miyerkules lang.

Ang naturang dikit na panalo kontra sa SMB ang nais duplikahin ng Ginebra para simulan ang winning streak matapos ang maalat na umpisa sa Govermors’ Cup.

Babandera sa mis-yong iyon ng Kings ang resident import na si Justin Brownlee matapos magrehistro ng triple double noong nakaraang laro.

Aasa siya ng suporta kina LA Tenorio, Stanley Pringle, Japeth Aguilar, Scottie Thompson at Greg Slaughter na pa-wang miyembro ng 15-man Gilas Pilipinas training pool ng head coach din na si Tim Cone.

Nakatakdang humarang sa kanilang daan sina Paul Lee, Jio Jalalon, Mark Barroca, Ian Sangalang, Rafi Reavis, Marc Pingris at Rome Dela Rosa ng Hotshots.

vuukle comment

GINEBRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with