^

PM Sports

Pacquiao nag-aabang kay Mayweather

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakaabang lang ang kampo ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa magiging sagot ni undefeated Ame-rican fighter Floyd Mayweather Jr. sa ikinakasang rematch.

Nagkaroon ng linaw ang Pacquiao-Maywea-ther 2 matapos isiwalat ng Pinoy champion na gumugulong na ang negosasyon para matuloy ang laban.

Mas lalo pa itong nag-init nang ibunyag ni DEF Promotions director/promoter Jay Lau na tinanggihan ni Mayweather ang exhibition match na idaraos sana sa China para makipag-usap sa kampo ni Pacquiao.

Ngunit hanggang ngayon, wala pang pinal na desisyon ang dalawang kampo.

Tila pinag-aaralan pa ni Mayweather kung anong mga makukuha nito sa laban partikular na ang hatian sa kikitain ng laban at prize money.

“Wala pa naman. Hindi ko pa alam kung lalaban ba siya o hindi,” ani Pacquiao na nakaantabay lamang kung kakagatin ni Mayweather ang nilulutong Pacquiao-Mayweather 2.

Sanay na si Pacquiao sa “pakipot” na estilo ni Mayweather.

“Ganun pa rin (wala pang balita pero) style niya yun,” ani Pacquiao.

Sakaling mabigo ang Pacquiao-Mayweather 2 negotiation, inaasahang magdedesisyon na ang grupo ni Pacquiao kung sino ang sunod na makakalaban nito sa susunod na taon.

Ipagtatanggol ni Pacquiao ang kanyang World Boxing Association (WBA) welterweight title.

“By December hopefully malalaman na natin yung next fight ko,” ani Pacquiao.

Ayon kay MP Promotions president Sean Gibbons, bukas na bukas ang pintuan ni Pacquiao para harapin si Mayweather.

Nakasalalay na lamang ito sa magiging pinal na desisyon ng American pug kung kakasa o aatras sa hamon.

“If Mayweather decides to fight again, the Senator welcomes the opportunity to fight him

 

vuukle comment

PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with