Kay Blakely pa rin ang Blackwater
MANILA, Philippines – Mananatili bilang import ng Blackwater ang beteranong si Marqus Blakely para sa natitirang bahagi ng 2019 PBA Go-vernors’ Cup.
Ito ay ayon mismo kay head coach Aris Dimaunahan matapos ang pambihirang 21 puntos at 13 rebounds na performance sa krusyal na 95-89 panalo ng Elite kontra sa dating koponan na Magnolia kamakalawa para umangat sa 2-3 bahara upang mapa-natili ang playoff chance.
Ayon pa kay Dimaunahan, factor din ang iniindang injury ni Fuller sa desisyon ng Blackwater na sumandal na lamang muna kay Blakely sa pagpapatuloy ng season-ending conference.
Dating Best Import sa PBA at naging mala-king bahagi ng grandslam run ng San Mig Coffee (Magnolia) noong 2014 si Blakely.
- Latest