Pang-4 tutilo ng Pasig Chooks sa 3x3

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Inangkin ulit ng Pasig Chooks ang ikaapat na sunod na leg title matapos ang dominanteng 21-12 panalo kontra sa Big Boss Cement-Porac sa idinaraos na 2019 Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 MelMac Cup kahapon sa Gold’s Gym Sheridan sa Mandaluyong.

Nagtala ng 13 puntos ang world 3x3 no. 106 player na si Joshua Munzon upang giyahan ang Pasig sa isa namang kampeo-nato sa ikaapat na leg ng torneong suportado ng Gold’s Gym at Coca Cola City. Wagi ng P100,000 ang Chooks.

Umalalay kay Munzon si Franky Johnson na kumamada ng pitong puntos kabilang na ang pampanalong deuce sa huling tatlong minuto upang mapagpatuloy ang dominasyon ng Pasig sa 3x3 tourney.

May ambag na isang puntos si Troy Rike para sa Pasig habang natoka naman sa depensa ang dating PBA player na si Dylan Ababou.

“We had to knock off the rust the day before and today, we’re a lot sharper and we’re able to execute our gameplan a whole lot better,” ani Munzon.

Nauwi naman sa wala ang limang puntos ni Ryan Monteclaro para sa Porac na nagkasya sa runner-up finish sa ikalawang sunod na leg. Nag-uwi sila ng P30,000 na consolation prize. Nasiguro naman ng MSC Biñan City-Azi&Test Trave N Tours sa bronze medal para sa P10, 000.

Gaganapin ang ikalimang leg ng prestihiyosong 3x3 tourney sa  Sabado sa parehong venue.

Bahagi ang torneong ito sa misyon ng Pilipinas na makakolekto ng mas mara-ming puntos upang mapanatili ang puwesto sa Top 24 ng 3x3 world rankings na siyang mabibigyan lamang ng tikets papunta sa 2020 Tokyo Olympics.

 

 

CHOOKS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with