Balik-training sa Japan si Yulo
Chris Co (Pang-masa) - October 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lilipad na pabalik ng Tokyo, Japan si world champion Carlos Edriel Yulo ngayong araw upang ipagpatuloy ang pagsasanay nito para sa 2019 Southeast Asian Games at 2020 Tokyo Olympics.

Kasama ni Yulo na babalik sa Tokyo si Japanese coach Munehiro Kugimiya.

 Nais ni Kugimiya na mas pataasin pa ang lebel ng performance ni Yulo upang masiguro ang gintong medalya hindi lamang sa SEA Games kundi maging sa Tokyo Olympics.

“Maganda ‘yung performance ko sa World Championship pero naniniwala ako na kaya ko pa ng mas magandang performance. Kailangan ko lang talagang magsikap sa training,” ani Yulo.

Sariwa pa ang 19-anyos sa matamis na pagkopo sa gintong medalya sa men’s floor exercise sa prestihiyosong 49th FIG Artistic Gymnastic World Championships na ginanap sa Stuttgart, Germany.

Nagtala si Yulo ng 15.300 puntos para ta-lunin sina silver medallist Artem Dolgopyat ng Israel (15.200) at bronze medallist Xiao Ruoteng ng China (14.933).

May 6.50 ang degree of difficulty ng performance ni Yulo sa world championships. Target ni Kugimiya na itaas ito sa 6.80.

Alam ni Yulo na hindi magiging madali ang pagdaraanan nito ngunit handa ang 19-anyos gymnast na ibuhos ang lahat para maabot ang inaasam na tagumpay.

“Hindi ganun kadali ang pinagdaanan ko sa training sa Japan. May point na umiiyak na lang ako dahil sa sakit or hirap ng training pero kailangan kong ituloy ang nasimulan ko,” ani Yulo.

Malaki ang tiwala ni Kugimiya na abot-kamay na ang minimit­hing gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics.

“Because of your support, we got the gold. This medal is for us.” ani Kugimiya..

 

CARLOS EDRIEL YULO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with