Eljay Pamisa naka-silver sa Asian Jr. Boxing C’ships
Chris Co (Pang-masa) - October 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagkasya sa pilak na medalya si Cagayan de Oro City pride Eljay Pamisa sa pagtatapos ng 2019 ASBC Asian Junior Boxing Championships kahapon sa Fujairah, United Arab Emirates.

Lumasap si Pamisa ng split decision loss sa kamay ni Vishwanath Singh ng India sa gold-medal match ng boys’ pinweight (44-46 kg.) division ng torneong may basbas ng Asian Boxing Confederation.

Agresibong sinimulan ni Pamisa ang laban nang makipagsabayan ito sa maliksi ring si Singh kung saan kumunekta ng ilang solidong straight at body shots ang Pinoy fighter.

Subalit mas naging mabagsik ang Indian pug sa mga sumunod na yugto nang makakuha ito ng ilang pagkakataon para tumama kay Pamisa at tuluyang angkinin ang panalo.

Nakapasok sa finals si Pamisa matapos ilampaso si Thanakom Aonyaem ng Thailand sa semifinals sa pamamagitan ng 5-0 unanimous decision win.

Nakuha ni Pamisa ang 30-27, 29-28, 30-27, 30-27, 29-28 desisyon mula sa limang mga judges.

Nauna nang tinalo ni Pamisa si Hsu Po-Hao ng Chinese-Taipei sa quarterfinals via 4-1 split decision (29-28, 29-28, 29-28, 30-27, 27-30).

2019 ASBC ASIAN JUNIOR BOXING CHAMPIONSHIPS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with