Batangas wagi sa Gen-San
(Pang-masa) - October 18, 2019 - 12:00am

Batangas City , Philippines -- Napanatili ng Batangas City Athletics ang pag-akyat sa South division matapos patumbahin ang General Santos Warriors, 85-79 sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season kamakalawa ng gabi dito sa Batangas State University Gymnasium.

Dalawang beses nakatabla ang Athletics, ang huli ay sa 64-64, bago tuluyang kunin ang 78-72 abante para iwanan ang Warriors.

Ito ang ikatlong sunod na ratsada ng Batangas City, nakahugot kay dating national player Prince Rivero ng 13 points at 11 rebounds para sa kanilang 12-5 record.

Nagdagdag si Moncrief Rogado ng 14 points, habang may tig-12 markers sina Adrian Santos at Ryusei Koga.

Nahulog naman ang GenSan, itinala ang 52-43 bentahe sa third quarter sa kanilang ikaanim na kabiguan sa 19 laro. Nagtala si point guard Pamboy Raymundo ng 21 points at 10 assists.

Samantala, tinalo ng Bataan Risers ang Soccsksargen Marlins, 102-71, tampok ang 24 points ni John Bryon Villarias at pinabagsak naman ng Makati Super Crunch ang Mindoro Tamaraws, 97-65 para palakasin ang kanilang tsansa sa playoffs.

MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE LAKAN SEASON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with