Remolino kapalit ni Huelgas
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - October 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Masundan ang magkasunod na Southeast Asian (SEA) Games gold medal finish ni Nikko Huelgas sa individual men’s triathlon event, ang puntirya ng first timer na si Andrew Kim Remolino.

Isa ang 19-anyos na si Remolino ang kakatawan sa bansa sa triathlon event na ito na gaganapin sa Disyembre 1-4 sa Subic Bay, Zambales, bilang kahalili ni Huelgas matapos nitong hindi mapasama sa roster at makakasama niya rito si John Chicano.

“Iyong goal ko nga po talaga is masundan ‘yung gold streak ni kuya Nikko po,” ani Remolino. “’Yung game plan lang po  namin is dapat po talaga naming sundin kung ano po talaga ‘yung kaya namin.”

Naging bahagi ng Philippine Triathlon team ang tubong Talisay City, Cebu matapos nitong makalusot sa dalawang qualifiers na sinabakan niya ngayong taon, ang una ay ang 2019 Subic International Triathlon at  sinundan ng 2019 Gyeongju ASTC Asian Triathlon Championships sa South Korea.

Excited pero kinakabahan din si Remolino sa kanyang unang sabak sa SEA Games dahil alam niya na mataas ang inaasahan sa kanila lalo na’t maganda ang ipinakita ni Huelgas sa Singapore at Kuala Lumpur.

“First time po. Siyempre proud po and excited pero at the same time parang pressured po dahil nga po sa dalawang SEA Games gold medal na na-straight nga po ni kuya Nikko,” dagdag niya. “Kaya po parang mataas ang expectations po sa amin.”

Bahagi naman ng mixed relay event si Huelgas kasama rin si Chicano, Fer Casares, Kim Mangrobang, Kim Kilgroe at Claire Adorna.

Isa si Remolino sa mga atletang sinusuportahan nga-yon ng kompanyang Go for Gold at PCSO.

 

SEA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with