^

PM Sports

PCSO planong bigyan ng incentives ang mga Go for Gold athletes

Pang-masa

MANILA, Philippines — Maaaring magbigay ng insentibo ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga atletang sinusuportahan kapag nanalo ang mga ito ng gintong medalya sa 30th Southeast Asian (SEA) Games nga-yong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa bansa.

May limang sports ang suportado ng ahensiya, katuwang ang pribadong kompanya na Go for Gold-- ang skateboarding, triathlete, cycling, sepak takraw at dragonboat na pare-parehong asam ang gold medal sa biennial sporting event na ito.

Ayon kay PCSO General Manager Royena Garma, hindi talaga tradisyon ng opisina na magbigay ng monetary incentives dahil na rin sa limitadong pondo na nakukuha nito, karamihan ay galing sa Scratch It!

“Actually we don’t give incentives kasi, but we can arrange a program to recognize our athletes that will bring home gold and I think it’s for the best,” ani Garma sa isang press conference kamakalawa sa Contis  Shaw Boulevard, Mandaluyong City kasama ang Go for Gold.

Bukod sa matatanggap na pagkilala ng mga magtatagumpay na atleta, maari ring humiling sa PCSO ang mga ito ng kahit anong klaseng tulong para sa isang institusyon o grupo na kanilang sinusuportahan para  mabahagian ng kanilang tagumpay.

“Minsan kasi ang premyo is not only money, it’s also a  recognition and maybe ask him or her kung meron siyang isang institution na gustong suportahan, PCSO will come in, kung puwedeng health or sports kung ano ‘yung gusto ng atleta natin” dagdag ni Garma na kasama sa nasabing press briefing sina PSCO PSDD manager Roger Ramirez at PSCO chief of staff Emz Ubales.

Malaki rin ang pasasalamat ni Go for Gold founder Jeremy Go sa walang sa-wang pagsuporta at paggabay ng PCSO sa kanilang mga atleta na nangangaila-ngan ng tulong sa mga personal nitong problema gaya ng tulong medikal at iba pa.

“Thankful kami na never kaming natanggihan ng tulong ng PCSO at any cost para sa mga atleta natin,” ani Go. (FJ)

vuukle comment

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with