naka-gold din si petecio
Chris Co (Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Isa pang world championship title ang nahablot ng Pilipinas matapos magkampeon si Nesthy Petecio sa prestihiyosong 2019 AIBA Women’s World Boxing Championships na ginanap sa FSK Sports Complex sa Ulan-Ude, Russia.

Ibinuhos na ng 27-anyos na bPinay fighter ang buong puwersa nito upang masungkit ang 3-2 split decision win laban kay Liumila Vorontsova ng host Russia sa gold-medal match ng women’s fea-therweight (57 kgs.) division.

Nakuha ni Petecio ang boto ng mga hurado mula South Korea (30-27), Australia (30-27) at Ireland (29-28) habang pumanig sa Russian bet ang mga judges mula Japan (30-27) at Argentina (29-28).

Naglatag pa ng protesta ang kampo ng Russian boxer upang hilingin sa AIBA na rebisahin ang laban na posibleng magbaliktad sa desisyon.

Subalit ibinasura ng boxing world governing body ang protesta at tuluyang ibinigay kay Petecio ang panalo.

Ito ang ikalawang ginto ng Pilipinas sa world meet matapos angkinin ni Josie Gabuco ang unang ginto noong 2012 edisyon sa China.

Nalampasan din ni Petecio ang silver medal finish nito noong 2014 World Championships sa Jeju, South Korea.

Sa loob ng 24 oras, dalawang Pinoy ang itinanghal na world champion kung saan una nang namayagpag si Carlos Edriel Yulo sa prestihiyosong 2019 FIG Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Hanns Schleyer Halle sa Stuttgart, Germany.

Nauna nang nanalo ng silver medal si Eumir Felix Marcial noong nakaraang buwan sa AIBA Men’s World Boxing Championships.

NESTHY PETECIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with