Maasahansa SEA Games si Edriel Yulo
Chris Co (Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Maituturing nang isang gold mine ang gymnastics sa 2019 Southeast Asian Games matapos ang ma-ningning na kampanya ni Tokyo Olympics bound Carlos Edriel Yulo sa prestihiyosong 2019 FIG Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Hanns Schleyer Halle sa Stuttgart, Germany.

Naitarak ni Yulo ang kanyang pangalan sa kasaysayan matapos angkinin ang gintong medalya sa men’s floor exercise event.

Inirehistro ni Yulo ng impresibong 15.300 puntos buhat sa 6.500 (difficulty) at 8.800 (exe-cution) para masiguro ang unang puwesto sa natu-rang world meet.

Ang 19-anyos na si Yulo ang kauna-una-hang Pinoy at Southeast Asian gymnast na nakaginto sa World Championships.

Kaya naman inaasa-hang babanderahan ni Yulo ang paghakot sa gintong medalya sa SEA Games na idaraos sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“Mas confident po ako sa landing ko nga-yon kaysa doon sa all-around finals last Friday. Mala-king bagay din po iyon. It was God who gave me this gold because I could not have done it on my own,” ani Yulo.

Pinataob ni Yulo si qualifying round topnotcher Artem Dolgopyat ng Israel na nagsumite ng 15.200 (6.400 at 8.800) para magkasya sa pilak gayundin si 2018 World Championship floor exercise silver medalist Ruoteng Xiao ng China na siyang sumikwat ng tanso bitbit ang 14.933 puntos (6.200 at 8.733).

Malaki ang pasasalamat ni Yulo kay Japanese coach Munehiro Kugimiya na siyang humubog sa Pinoy bet sa loob ng anim na taon.

 

 

 

CARLOS EDRIEL YULO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with