May pa-tryout ang PBA sa referees
(Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Para sa misyong mapalalim pa lalo ang referees pool nito at makadiskubre ng mga bagong opisyal, magdaraos ang Philippine Basketball Association (PBA) ng referees tryout sa dulo nitong buwan.

Bukas ang PBA referees tryout sa lahat ng aplikante, mapa-lalake man o babae na mayroon lamang hanggang Oktubre 21 upang isumite ang kanilang mga aplikasyon sa PBA Office sa Libis, Quezon City.

Kailangang edad 25-anyos pataas ang mga lalaking aplikante at may taas na 5-foot-8 o higit pa. Para naman sa mga female applicants, kaila-ngang edad 25-anyos din at may taaas na 5-foot-2.

Nakatakda ang tryouts sa JSCGO Gym sa Cubao, Quezon City sa Oktubre 22, 24 at 25 mula alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

Pangangasiwaan ang referees tryout ni international referee Bong Pascual at coach Joey Guanio.

Maaaring kumita ang papasang opisyal ng  hanggang P40, 000 na sahod kada buwan. Mayroon ding game allowance na nagkakahalaga mula P500 hanggang P2, 000.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with