Paghahandaan ng Phl volley team ang SEA Games
(Pang-masa) - October 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ihayag ang final roster para sa women’s at men’s national volleyball team sa 30th Southeast Asian (SEA) Games ngayong Nobyembre 28 hanggang Disyembre 10 sa bansa, ang training sa Japan ang inaasahang kukumpleto sa paghahanda ng koponan para sa kanilang hangaring makopo ang gintong medalya.

Sa listahan na inilabas ng Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI), babandera sa kampanya ng Pilipinas sina Alyssa Valdez, Aby Marano, at Kalei Mau sa 14-man roster ng Nationals.

Makakasama rin nila sa tropa sina Jovelyn Gonzaga, Rhea Dimaculangan, Jia Morado, Mika Reyes, Ces Molina, at Dawn Macandili.

Maglalaro rin para sa watawat sina Maddie Madayag, Eya Laure, Kath Arado, Majoy Baron at Mylene Paat, na nakatuwang kamakailan ng Nationals sa Grand Prix.

Si coach Shaq delos Santos pa rin ang hahawak sa tropa, na pakay na matuldukan ang 14-year medal drought ng Pinas sa volleyball na huling nakamit ng bansa noong 2005 Manila SEA Games.

Nakatakdang magtungo sa Japan ang national team sa October 20 para sa isang buwang training bago sumalang sa PSL Super Cup November 5, 7 at 9 para masukat ang kanilang kakayahan.

Pangungunahan naman ang men’s national team nina Marck Espejo at Bryan Bagunas kasama sina John Vic de Guzman, Ran Abdilla, Mark Alfafara, Joshua Umandal, Ish Polvorosa, Jessi Lopez, Joshua Retamar, Kim Malabunga, Francis Saura, Rex Intal, Ricky Marcos at Jack Kalingking.

Si National University head coach Dante Alinsunurin ang napiling mamuno sa men’s team. (FJ)

SEA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with