^

Alora, Lopez pambato sa SEAG taekwondo

(Pang-masa) - October 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Babanderahan nina 2016 Olympic Games campaigner Elaine Alora at 2018 Asian Games bronze medalist Pauline Lopez ang kampanya ng Pilipinas sa taekwondo competition ng darating na 30th Southeast Asian Games.

Apat hanggang li-mang gintong medalya ang prediksyon ni Phi-lippine Taekwondo Association (PTA) Executive officer Sung-Chon Hong na kanilang makukuha sa nasabing biennial meet na nakatakda sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

“I think we can win around five gold medals,” deklarasyon ni Hong.

Hangad ng tropa na makabawi mula sa pangit nilang ipinakita noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nag-uwi lamang ang delegasyon ng kabuuang dalawang gold, tatlong silver at apat na bronze me-dals sa nasabing edisyon.

Maliban kina Alora at Lopez, ang iba pang mi-yembro ng national team ay si Butch Morrison, ang men’s poomsae squad nina JR Reyes at Dustin, si Raphael Mella at ang wo-men’s team nina Juvenile Faye Crisostomo, Rinna Babanto at Janna Oliva.

Para paghandaan ang 2019 SEA Games ay sasabak ang Nationals sa isang 10-day training sa South Korea.

ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with