Sumisip-St. Clare ipinuwersa ang deciding Game 3
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - October 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Humirit ng winner-take-all Game 3 ang BRT Sumisip Basilan-St. Clare matapos magbulsa ng 74-60 Game 2 win kontra sa dating walang galos na Marinerong Pilipino sa umaatikabong 2019 PBA D-League best-of-three Finals series kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Sumandal ang Saints sa mainit na 25-11 simula upang maiuwi ang kumbinsidong panalo upang manatiling buhay ang kanilang pangarap na masungkit ang unang kampeonato sa D-League.

Subalit higit doon, diniskaril ng BRT ang Foundation Cup sweep sana ng Skippers bunsod ng unang pagkatalo na ito, gayundin ang koronasyon ni Eloy Poligrates bilang Conference MVP.

Binuhat ni veteran big man Jessie Collado sa kanyang mga balikat ang Saints sa tinabong 20 puntos kabilang na ang 10 sa first quarter sahog pa ang anim na rebounds, isang steal at isang tapal sa 24 minutong aksyon lamang.

Sumuporta sa kanya ang kapitan na si Joshua Fon-tanilla na may 14 markers at limang assists habang may 12-point, 10-rebound double-double si Mohammed Pare para sa St. Clare na naiganti ang 59-69 kabiguan nila sa Game 1.

“Obviously, mas may energy kami ngayong Game 2. We went for straight one-on-one defense. Sa Game 1, we’re a step behind so we decided to go on single coverage. Depensa lang talaga,” ani head coach Stevenson Tiu na napanatili ring buhay ang tangkain na maibulsa ang D-League championship matapos ang ilang bridesmaid finish sa Che’Lu. “Ayaw pa naming matapos ‘yung series. ‘Yun ang challenge sa kanila. Ganoon talaga sa basketball. Basta as long as we have a chance to win, ipapanalo namin.”

Si Byron Villarias ang nanguna sa Skippers sa kanyang 11 markers dahil nagkasya lang sa malam-yang dalawang puntos si Conference MVP Eloy Poligrates.

2019 PBA D-LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with