Blackwater naiposte ang unang panalo
Russell Cadayona (Pang-masa) - October 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang kabiguan sa NLEX ang nagpalakas ng loob ng Blackwater.

Dumaan muna sa butas ng karayom ang Elite bago mapaluhod ang NorthPort Batang Pier, 107-98 sa 2019 PBA Go­ver­nor’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipo­lo City.

Humakot si No. 2 over­all pick Bobby Ray Parks, Jr. ng 21 points na tinampukan ng apat na three-point shots para sa unang pana­lo ng Blackwater sa tatlong laro.

Kumolekta naman si import Marqus Blakely ng 13 markers, 14 rebounds, 7 assists at season-high na 8 blocks para sa tropa ni coach Aris Dimaunahan.

“I commend the guys for playing hard throughout the game,” sabi ni Di­maunahan. “We will build on this and I also told them even if we lost to NLEX last game ay ma­rami kaming positives na nakita.”

Ito naman ang ikatlong sunod na kabiguan ng NorthPort.

Kinuha ng Elite ang  51-41 kalamangan mula sa ikatlong three-point shot ni Carl Bryan Cruz sa huling 1:06 minuto ng se­cond quarter.

Ngunit isang 11-0 ata­ke ang ginawa ng Batang Pier para maagaw ang ben­­tahe, 52-51, sa pamumuno ni No. 3 overall pick Robert Bolick sa ka­a­gahan ng third period.

Matapos ito ay muling rumatsada ang Blackwater at itinayo ang 18-point lead, 94-76, mula sa basket ni Roi Sumang sa 5:59 mi­nuto ng final canto.

Nailapit ni import My­chal Ammons, umiskor ng 29 points, ang NorthPort sa 98-105 sa nalala­bing 33 se­gundo.

Ang dalawang free throws naman ni Parks sa huling 25.6 se­gundo ang tumiyak sa panalo ng grupo ni Dimaunahan.

 

BLACKWATER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with