Mikee Romero
1-gold sa polo—Romero
(Pang-masa) - September 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naniniwala si Deputy House Speaker Mikee Romero na ang Philippine polo national team ang makakapagbigay ng unang gold medal sa Pinas sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.

“We are confident that we can get at least one gold and one silver, at least ‘yan ang fearless forecast namin,” sabi ni 1Pacman representative na isa ring polo athlete kahapon Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel-Manila.

Ang polo competition ang maagang magsisimula sa Nobyembre 24, isang linggo bago ang pormal na pagbubukas ng biennial event.

Apat na bansa-- ang Brunei, Malaysia, Indonesia at Pilipinas, ang magtatapatan sa dalawang kategorya mula sa sports na ito -- 0-2 goal at ang 4-6 goal.

Binanggit din ni Romero na kasali ang ilan sa mga royalties na kinatawan ng ibang bansang lalahok dito, gaya nina Prince Abdul Mateem at Princess Azemah Bolkiah ng Sultanato ng Brunei.

Hindi tulad ng ibang sports na nagkakaroon ng double bronze medalist kapag aapat lamang ang naglalaban para rito, iba ang mangyayari sa polo kung  saan magkakaroon pa rin ng tiebreaker para sa third place finisher.

Lilipad patungong Argentina ang national team para magsanay at lumaban sa ilang polo team doon na magsisimula sa Oktubre 27 hanggang Nobyembre 12.

“All of us now is training right now and will be culminated with the national training of the national team on October 27 to November 12 in Argentina, ‘yun yung full training,” dagdag ni Romero.

Gaganapin ang mga Polo event sa Miguel Romero Polo Field at sa Enrique Zobel Polo Field sa Calatagan City. FJ

MIKEE ROMERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with