^

PM Sports

Mabigat ang laban ng Gilas women

Pang-masa

MANILA, Philippines — Bigatin agad ang kaharap ng Gilas Pilipinas women sa pagsisimula ng kampanya nila kontra sa Australia sa 2019 FIBA Women’s Asia Cup Division A sa Sree Kanteerava Indoor Stadium sa Bengaluru, India.

Babangga ang Filipinas sa Australians sa alas-3:45 ng hapon (Manila time) para sa misyong makasilat ng panalo sa torneong lalarga hanggang Set-yembre 29.

Gigiyahan ni Fil-Am forward Kelli Hayes mula sa UCLA ang atake ng 47th-ranked Nationals na underdog kontra sa Australia na No.3 sa buong mundo.

Nakatakdang sumuporta kay Hayes ang mga beteranong sina Afril Bernardino, Janine Pontejos, France Mae Cabinbin, Jack Animam at Gemma Miranda kasama ang mga iba pang bagitong sina Bea Daez, Ria Nabalan at Eunique Chan.

Hangad ng Filipina ballers na gagabayan ni head coach Patrick Aquino ang mas magandang performance kontra sa paboritong Australians matapos ang 65-107 na kabiguan sa 2017 edition ng FIBA Women’s Asia Cup na sa India rin ginanap.

Bibida sa mapaghigating Aussies ang WNBA player mula sa New York Libert na si Bec Allen gayundin sina twin towers Cayla George at Ezi Magbegor. May 6-foot-1 na average height ang Australia kontra sa Pinas na may 5-foot-7 average height lamang.

Matapos ang Australia, sasagupain naman ng Gilas women ang iba pang Group B teams na China at New Zealand na susubukan nilang magulat upang makaiwas sa last place finish sa Division A ng naturang 2019 FIBA Asia Women’s Cup na pre-qualifier din para sa Olympic Qualifying Tournament sa papalapit na 2020 Tokyo Olympics.

Ayon kasi sa format ng FIBA Wo-men’s, ang kulelat na koponan sa Division A ay malalaglag sa Division B.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS WOMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with