^

PM Sports

Win No. 13 target ng SBU Red Lions

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Asam ng undefeated San Beda Red Lions ang pang-13 panalo sa paghaharap sa San Sebastian Stags habang magtatagpo rin ang Letran at St. Benilde nga-yon sa pagpapatuloy ng Season 95 NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Tangan ang malinis na 12-0 win-loss slate, haharapin ng three-peat champion Red Lions ang Stags sa alas-12 ng tanghali na susundan sa pagtatagpo ng Letran Knights at St. Benilde Blazers sa alas-2 ng hapon. Hangad din ng Mapua Cardinals ang pang-anim panalo sa pakikipagtuos sa Arellano Chiefs sa alas-4 ng hapon.

Mataas naman ang tiwala ng Red Lions na magtatagumpay sa Stags na kanilang tinambakan, 73-59 sa first round ng elimination noong Hulyo 26 kung saan umani si Evan Nelle ng 14 puntos, 10 rebounds, apat na assists at isang steal.

Kung magwawagi ang tropa ni coach Boyet Fernandez, isang laro na lamang ang layo nila sa muling pagpasok sa Final Four kung saan 14 wins ang magic number.

Galing ang Stags sa 82-99 talo sa Letran noong Biyernes kaya gusto ni coach Egay Macaraya na buma-ngon agad para manatili sa top four ng standing dahil kung mabibigo, posibleng bumagsak sila sa sosyohan sa fourth spot kasama ang St. Benilde kung magwawagi ang Blazers sa Letran.

Kailangan din ng Blazers na manalo para iwasan ang Mapua na makasama sa fifth spot sa parehong 6-6 slate kung magtagumpay ang Cardinals sa Arellano Chiefs.

Sa juniors’ division, target ng SBU Red Cubs (11-1) ang pang-12th panalo sa paghaharap sa SSC-R Staglets (6-5) sa alas-8 ng umaga habang target ng CSB-LSGH Greenies (7-4) ang pang-walong panalo sa pakikipagtagpo sa Letran Squires (5-7) sa alas-10.

Sa huling laro, maghaharap ang Arellano Braves (6-6) at Mapua Red Robins (3-7) sa alas-6 ng gabi. 

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with