PetroGazz sa No. 2 na
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Baon ang kanilang karanasan sa nakaraang international stint sa Taiwan, nagbalik Premier Volleyball League (PVL) ang PetroGazz Angels  at magarbong tinapos ang  first round ng eliminations sa pamamagitan ng 25-15, 25-19, 25-18 panalo sa Chef’s Classics sa (PVL) Season 3 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Mula sa ikaapat na puwesto, umangat sa second spot ang Gazz Angels, nakakuha ng karanasan sa 2019 Taichung Bank Volleyball Tournament sa Taipei, Taiwan, matapos makopo ang ikaanim na panalo sa 8-laro para buntutan ang nangungunang Creamline na malinis sa 10-0 karta.

“May mga struggle nung umpisa plus going to last game na ito med-yo gumaganda na ‘yung chemistry ng team and at the same lumalalim na ‘yung relationship inside and outside the court,” wika ni coach Arnold Laniog ng PetroGazz na lalong nagbaon sa Chef’s Classic sa 0-11 karta.

Nanguna para sa tropa sina Jonah Sabete at Pa-neng Mercado na tumapos ng tig-11 puntos habang nagparamdam din si Jovie Prado na tumipa ng siyam na marka.

Samantala, nanakaw naman ng Philippine Air Forces ang ikalimang sunod nitong panalo sa liga nang walisin nito ang BanKo Perlas Spikers, 26-24, 25-8, 25-21.

Bumandera para sa koponan si spiker Joy Cases na tumapos ng 15 puntos, mula sa 14 attacks para ia-ngat ang Jet Spikers sa 5-5 kartada.

PETROGAZZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with