Philippine volleybelles naisalba ang 3rd place
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasungkit ng Pilipinas ang una nitong panalo sa first leg ng 2019 ASEAN Grand Prix nang alpasan nila ang Vietnam, 25-21, 22-25, 21-25, 15-25, 15-12  para maisalba ang third place finish  sa Terminal 21 Korat, Nakhon Ratchisama, Thailand.

Tinapos ng Pinas ang kampanya nito sa 4-team tournament hawak ang 1-2 na win-loss record.

Umariba agad ang Pinas sa fifth set nang iposte nito ang 9-6 na bentahe sa likod ng magkasunod na 1-2 play ni Jia Morado pero unti-unting umalagwa ang Vietnam at tinabla sa 10 ang laro.

Nagpakilala si Majoy Baron at muling inangat ang kalamangan ng Pinas, 12-10 sa kanyang drop at block kill at muling sumagot at Vietnam para itarak ang 12-all na iskor.

Magtatabla pa sana sa 13 ang laro pero bigo ang challenge ng Vietnam sa fault line error laban kay Mylene Paat at napituhan si Thi Than Thuy Tran ng net touch na nagdala sa Pinas sa match-point at ang off the block kill ni Kalei Mau ang nagtuldok sa laro.

Nanguna para sa Pinas si Paat na nagrehistro ito ng 22 puntos, sa likod ng 14 attack, 4 blocks at 4 aces habang nag-ambag naman sina Mau at Ces Molina ng 16 at 14, ayon sa pagkakasunod.

Tinapos ng Vietnam ang kanilang kampanya sa 0-3 kartada.  

 

 

PHILIPPINE VOLLEYBELLES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with