AIBA World Boxing Championships: Silver kay Marcial
Chris Co (Pang-masa) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagkasya sa pilak na medalya si Indonesia Asian Games bronze medalist Eumir Felix Marcial sa men’s middleweight (75 kgs.) division ng 2019 AIBA World Boxing Championships na ginanap sa Yekaterinburg, Russia.

Lumasap ang 23-anyos Pinoy pug ng unanimous decision loss kay eigth seed Bakshi Gleb ng Russia sa championship round kung saan naitala ng hometown bet ang 29-28, 29-28, 29-27, 29-27 at 29-28 iskor.

Maganda ang simula ni Marcial nang maki-pagsabayan ito sa Russian fighter sa unang yugto ng laban. Ngunit tinamaan ng isang solidong left hook si Marcial sa unang bahagi ng second round dahilan upang bigyan ito ng standing eight count.

Mabilis na nakabangon si Marcial upang makabalik sa porma.

Sinubukan ng Zamboanga City pride na makuha ang knockout win sa mga sumunod na yugto ngunit mas maraming naikonektang suntok si Gleb na nagresulta pa sa isang cut sa kanang kilay ni Marcial para tuluyang makuha ang panalo.

“Marcial performed superbly but just got unlucky. But we need to get him to develop his own boxing brand which he cannot do at home because of lack of sparring partners in his weight division. We need to get him (and our other big guys) appropriate training partners,” ani foreign consultant Don Abnett.

Si Marcial ang bukod-tanging Pinoy bet na nakapagbulsa ng medalya sa torneong nilahukan ng mahigit 300 boxers mula sa 78 bansa.

Nauna nang yumuko sina Ian Clark Bautista, James Palicte, Carlo Paalam at John Marvin sa kani-kaniyang dibisyon.

Nalampasan ni Marcial ang isang tansong me-dalyang nakuha ng Pilipinas noong 2015 edisyon.

Pinuri ng Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) ang matikas na kampanya ni Marcial.

“Eumir showed a lot of determination and skill, and to be No. 2 in the world is a major achievement. We’ll support him and our other worthy boxers in getting more intensive training on the road to the SEA Games and the Olympic qualifiers next year. We will again request PSC for their usual assistance,” ani ABAP president Ricky Vargas.

AIBA WORLD BOXING CHAMPIONSHIPS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with