Army ihahataw ang no. 6 win
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target ng PacificTown-Army na sundan ang ka­ni­lang huling panalo sa pagharap sa BaliPure sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan.

Sasabak sa giyera ang Lady Troopers nang wala si ace player Jovelyn Gonzaga, kasalukuyang kasama ng national team sa Thailand, kontra sa nagkukumahog na Water Defenders ngayong alas-4 ng hapon.

Para kay PacificTown-Army assistant coach Rico de Guzman, hindi nila puwedeng maliitin ang BaliPure kahit nasa laylayan ito ng standings.

“Hindi kami puwedeng mag-easy game doon kasi may palo sila. Malakas din ‘yung open nila lalung-lalo na kapag nagkaroon sila ng momentum,” sabi ni De Guzman, hahalili kay head coach Kungfu Reyes na nasa Thailand din para sa ASEAN Grand Prix.

“Kagaya nga ng sinabi ko, hindi kami puwedeng sumandal kay Jovelyn. Dapat magtatrabaho kami bawat isa,” dagdag pa nito.

Tatangkain naman ng Water Defenders na tuldukan ang kanilang pagsadsad.

Nalasap ng BaliPure ang ika-walong kamalasan sa 10 laro sa mga kamay ng nagdedepensang Creamline, 11-25, 15-25, 17-25.

Sa unang laro sa alas-2 ng hapon ay magtutuos na­man ang Chef’s Classics at Choco Mu­cho.

Samantala, kinapos ang Philippine wo­men’s national team matapos sumuko sa Indonesia, 21-25, 28-26, 25-12, 18-25, 9-15, sa 2019 ASEAN Grand Prix ka­hapon sa Nakhon Ratchasima sa Thailand.

Nanguna para mga Pinay si Ces Molina na may 18 points sa likod ng 16 attacks at 2 blocks, habang tumipa naman sina Majoy Baron at Kalei Mau ng 17 at 15 markers, ayon sa pagkakasunod.

 

ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with