Maroons pakay ang ikaapat na panalo sa Warriors
PJ Carpio (Pang-masa) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target ng UP Fighting Maroons na masungkit ang ikaapat na panalo laban sa UE Red Warriors sa pagpapatuloy ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Ynares Center sa Antipolo City.

Magpapang-abot ang Fighting Maroons at Red Warriors ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang upakan ng De La Salle Green Archers at Adamson Soaring Falcons sa alas-4.

Mula nang magbalik sa line-up si Kobe Paras matapos ang sprain ankle injury ay naibulsa ng Fighitng Maroons ang ikalawang sunod na panalo para kapitan ang ikalawang puwesto sa likod ng nagdedepensang Ateneo Blue Eagles.

Nagmula ang Fighting Maroons sa 80-79 paglusot kontra sa NU Bulldogs no­ong Miyerkules para maisukbit ang ikatlong panalo sa apat na laro.

“We need to learn how to close out games together as a team,” sabi ni UP head coach Bo Perasol matapos ang laro. “That’s a process.”

Nagtala  ng 25 points at 6 rebounds si Paras at nagdagdag naman si Nigerian import Bright Akhuetie  ng 19 markers at 12 rebounds para sa Fighting Maroons.

Sa kabilang panig naman, nakamit ng Red Warriors ang unang panalo sa season matapos sorpresahin ang Green Archers, 89-88, noong nakaraang Sabado.

Nagsalpak si Rey Suerte ng dalawang sunod na  krusyal na three-point shots sa huling 13 segundo ng regulation para sa nasabing panalo ng Red Warriors kontra sa Green Archers.

WARRIORS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with