Durant, Irving pinasabik ang mga fans ng Nets
(Pang-masa) - September 21, 2019 - 12:00am

NEW YORK -- Ipi­na­kita ni injured star Ke­vin Durant ang bago niyang jersey at nakuha­nan si Kyrie Irving ng litrato na nagpapapawis sa kanyang paglalaro pa­ra sa Brooklyn Nets sa darating na NBA season.

Halos dalawang linggo bago ang pagsisimula ng kanilang pre-season schedule at biyahe sa China sa susunod na buwan para labanan ang Los Angeles Lakers, pinasabik ng Nets ang pag-aabang ng kanilang mga fans sa 2019-20 sea­son sa pamamagitan ng mga Twitter pos­tings.

Nagkaroon si Durant ng ruptured right Achilles tendon sa nakaraang NBA Finals at inaasa­hang hindi makakalaro sa 2019-20 season para sa Brooklyn matapos iwa­nan ang Golden State Warriors.

Ipinasilip ni Durant ang bago niyang black and white No. 7 jersey para sa Nets makaraang itabi ang dating No. 35 na isinuot niya sa dalawang beses na paghaha­ri ng Warriors.

Sumunod sa kanya si Irving, ang six-time NBA All-Star guard, na nagwagi ng NBA title kasama si LeBron James sa Cleveland Ca­valiers noong 2016.

Nilisan ni Irving ang Boston Celtics na ni­laruan niya ng dalawang seasons.

Ang 27-anyos na backcourt star ay ipina­nganak sa Melbourne, Aus­tralia.

Sisimulan ng Nets ang kanilang pre-season training camp sa susu­nod na linggo bago la­banan ang Brazilian club SESI/Franca sa Oktubre 4 diretso sa China kung saan nila makakatapat si James at ang Lakers sa pre-season contests sa Oktubre 10 sa Shanghai at sa Oktubre 12 sa Shenzhen.

DURANT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with