Gustong maglaro ni Alyssa pero...
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - September 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kung si Alyssa Valdez ang tatanungin, gusto niyang makapaglaro kasama ang National team sa Philippine leg ng 2019 ASEAN Grand Prix ngayong Oktubre 4 hanggang 6 sa Sta. Rosa, Laguna.

Pero may magiging problema dahil maaring tamaan ng nasabing torneo ang naka-schedule na laro ng kanyang team na Creamline sa PVL Open Conference.

Maghaharap sa Iloilo City ang Creamline nina Valdez at Jia Morado at Choco Mucho ni Maddie Madayag maging ang PacificTown-Army ni Jovelyn Gonzaga ay lalaban din kontra sa PetroGazz ngayon Oktubre 5, ang ikalawang araw ng Grand Prix.

“If tatanungin mo ko kung gusto kong maglaro, siyempre hindi naman tayo hihindi para sa bayan, so ‘yun lang ang masasabi ko,” sabi ni Valdez sa mga reporter. “Hopefully, makapa- usap na ‘yung mga management and the LVPI [Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc.] para mas maganda ‘yung magiging result, hopefully.”

Hindi nakasama ang three-time PVL MVP sa unang leg ng torneo sa Nakhon Ratchasima, Thailand dahil sa right ankle injury na iniinda nito.

Bukod sa Grand Prix,  magkakaroon din ng Philippine Superliga (PSL) Super Cup kung saan sasabak din ang national team bilang paghahanda sa SEA Games na papalo ngayong Nobyembre 6, 7 at 9.

Pero magkakaproblema pa rin dahil masasagasaan nito ang do-or-die semifinals ng PVL sa Nobyembre 6 at ang Game 1 ng Finals sa Nobyembre 9.

“I guess we have to work hand in hand siguro sa scheduling din kasi ngayon lang din ini-release eh,” dagdag ng dating Ateneo standout na nagsabi ring ipinagdarasal niya ang buong tropa sa Thailand at umaasa siya na walang magka-injury sa kanila.

ALYSSA VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with