Floyd Mayweather Jr.
Nagpapapansin lang si Mayweather
Chris Co (Pang-masa) - September 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpapapansin lang si undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. matapos ihayag na makakalaban nito si eight-division world champion Manny Pacquiao sa isang exhibition match sa Japan.

Tinawanan lang ito ni Pacquiao.

Pinabulaanan din ng Pinoy champion ang pahayag ni Mayweather dahil wala umanong negosasyon para sa isang exhibition match.

“What I’m working on right now is the Mayweather-Pacquiao exhibition right here in Tokyo, Japan. Stay tuned,” ayon sa post ni Mayweather sa kanyang Instagram.

Makailang-ulit nang hinamon ni Pacquiao si Mayweather sa isang rematch na inaasahang tatabo sa takilya.

Ngunit iginiit ni Pacquiao na nais nitong mu-ling makaharap ang American champion sa isang totoong boxing bout – hindi sa isang exhibition.

“Yung mga tao totoong laban ang gusto hindi exhibition. Hindi ako pumapayag sa ganun, luma-labas na niloloko niya ang mga tao,” ani Pacquiao.

Papayag lang si Pacquiao kung magiging official fight ito.

Magiging abala si Pacquiao sa susunod na linggo dahil nauna nang plano nitong manood ng laban nina International Boxing Federationg (IBF) welterweight champion Errol Spence at World Boxing Council (WBC) welterweight king Shawn Porter sa Setyembre 28 sa Staples Center sa Los Angeles, California.

Sina Spence at Porter ang dalawa sa pinaka-maugong na posibleng sunod na makalaban ni Pacquiao.

FLOYD MAYWEATHER JR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with