Manila, GenSan lumakas ang tsansa sa playoffs
(Pang-masa) - September 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kapwa pinalakas ng Manila Stars at General Santos Warriors ang kanilang mga tsansa sa playoff matapos manaig sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season kamakalawa ng gabi sa San Andres Sports Complex.

Sa likod nina Chris Bitoon, Aris Dionisio at Gian Lloyd Abrigo ay pinabagsak ng Stars ang Navotas Uni-Pak Sardines, 96-91 para manatiling nakabuntot sa nangungunang San Juan Knights sa North division ng 31-team MPBL na itinatag ni Sen. Manny Pacquiao.

Humakot si Bitoon ng 21 points, 7 rebounds at 7 assists habang nagdagdag sina Dionisio at Abrigo ng 19 at 18 points, ayon sa pagkakasunod para sa Manila.

Pinatumba naman ng Warriors, umasa kina Juju Bautista at Pamboy Raymundo ang Pasig Sta. Lucia Realtors, 91-82 para pigilin ang kanilang two-game slide at iangat sa 11-4 ang baraha sa South division. Inupuan ng GenSan ang third spot sa likod ng Davao Occidental Tigers (12-2) at the Bacoor Strikers (12-3).

Nagtapos ang three-game winning run ng Realtors sa kabila ng itinalang 23 points at 8 rebounds ni Jeric Teng at nahulog sa 9-4 marka sa ilalim ng third-ranked Makati Super Crunch sa North division.

Tanging ang top 8 teams sa bawat dibisyon ang aabante sa playoffs.

Nilamon naman ng Cebu City Sharks ang Zamboanga Family’s Brand Sardines, 74-70 para tapusin ang kanilang three-game losing skid at umakyat sa 5-8 baraha.

Kumamada si William McAloney ng 28 points at 8 rebounds para sa Sharks.

Nadulas naman ang kartada ng Zamboanga, ite-trade si Reed Juntilla para kay Alvin Pasaol ng Bataan Risers sa 8-8 bagama’t nakahugot kina Robin Rono at Raffy Reyes ng 21 at 18 points, ayon sa pagkakasunod.

MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with