BRT-St. Clare, Marinero paboritong manalo
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - September 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Unahan sa unang panalo upang makalapit agad sa Finals ang apat na natitirang koponan ngayon sa inaabangang Game 1 ng 2019 PBA D-League Foundation Cup best-of-three semifinals series sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Unang sasalang ang BRT Sumisip Basilan St. Clare kontra sa CEU sa rematch ng nakaraang Final Four duel sa alas-1:30 ng hapon habang susundan naman ito ng banggaan ng Marinerong Pilipino at TIP sa alas-3:30 ng hapon.

Bunsod ng kanilang malinis na kartada papasok sa semis, paboritong magwagi ang St. Clare at Marinero na siyang maglalapit sa kanila sa asam na championship round.

Subalit hindi magiging madali iyon lalo’t pamil-yar na CEU ang haharang sa daan ng St. Clare na tumalo sa kanila sa Final Four noong nakaraang conference.

“Yun ang pinag-uusapan namin. Para dun sa mga bata yun ang gusto nila na makabawi sa CEU,” ani Saints coach Stevenson Tiu na hangad ang higanti kontra sa Scorpions lalo’t tinambakan nila ang lahat ng naunang kalaban ng 36.75 puntos.

Hindi naman padadaig basta-basta ang CEU kahit pa sa pinalakas na St. Clare lalo’t tatrangko pa rin sa kanila ang mga beteranong sina Maodo Malick Diouf at Rich Guinitaran kasama ang kanilang young guns.

Hindi naman pahuhuli ang banggaan ng dating magkasangga na TIP at Marinero na noong 2018 Foundation Cup ay nagtambal upang makaabot sa semifinals bago matalo sa kampeon na Go For Gold.

2019 PBA D-LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with