^

PM Sports

Bacoor dinomina ang Quezon City

Pang-masa

Malolos -- Dinomina ng Bacoor Strikers at host team Bulacan Kuyas ang kanilang mga kalaban, habang nakalusot naman ang Caloocan Supremos sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season kamakalawa ng gabi dito sa Bulacan Capitol Gymnasium.

Ipinagpag ng Strikers ang Quezon City Capitals, 111-79 at binigwasan ng Kuyas ang Muntinlupa Cagers, 77-62, para palakasin ang kanilang mga kampanya sa torneo.

Itinala ng Bacoor ang 35-point lead, 109-74 sa dulo ng fourth quarter para ipakita ang kanilang dominasyon sa Quezon City.

Umiskor si Mark Montuano ng 21 points para sa ikaapat na sunod na ratsada ng Strikers at pagandahin ang kanilang baraha sa 12-3.

Nagdagdag ng 16 markers si Chris Sumalinog habang may tig-13 at 11 points sina Gab Banal at Michael Canete at Paolo Castro, ayon sa pagkakasunod para upuan ng Bacoor ang second spot sa Southern Division ng 31-team MPBL.

Nahulog ang kartada ng Capitals sa 6-8 sa Northern Division.

Kinuha naman ng Kuyas ang 60-37 bentahe sa rebounds para talunin ang Ca-gers at ilista ang ikaapat na dikit na ratsada.

Ito ang pang-siyam na panalo ng Bulacan sa 14 laro, samantalang nalasap ng Muntinlupa ang pang-12 na pagkatalo sa 15 asignatura.

Samantala, tinakasan naman ng Supremos ang Nueva Ecija Forest Lake, 92-90 tampok ang 24 points ni Paul Sanga at 13 markers at 11 rebounds ni  Rene Pacquiao.

Kinuha ng Caloocan ang 92-85 kalamangan sa huling 21 segundo ng fourth period bago nagsalpak si Levi Dela Cruz ng triple na sinundan ng salaksak ni Marlon Monte para idikit ang Nueva Ecija sa 90-92 sa nalalabing 12 segundo.

Umangat ang Supremos sa 8-7 at ipinalasap sa Forest Lake ang ika-11 kabiguan sa 13 laban.

vuukle comment

MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with