Philippine Masters athletics team komopo ng 9-golds
Chris Co (Pang-masa) - September 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Humakot ang national masters athletics team ng siyam na gintong medalya sa 9th Sabah Masters Athletics Championships na ginanap sa Likas Stadium sa Kota Kinabalu, Malaysia.

Nanguna sa ratsada ng Pinoy tracksters si Dennis Scott matapos umani ng apat na gintong medalya sa men’s 70-74 age category.

Pinagharian ni Scott ang 400m, 800m, 1,500m at 3,000m runs para makumpleto ang four-event sweep na nilahukan nito.

Nagpasiklab din si Philippine Masters Association president Emerson Obiena, ama ni pole vault Philippine record holder Ernest John, nang kumana ito ng dalawang gintong medalya sa men’s 50-54.

Nangibabaw si Obiena sa javelin throw at pole vault habang nakasungkit din ito ng dalawang pilak sa discus throw at 100m hurdles.

Nasikwat naman ni Jonji Villa ang kanyang unang gold medal sa international tournament makaraang mamayagpag ito sa men’s 60-64 discus throw.

Wagi rin ng ginto sina Judith Staples sa women’s 45-49 discus throw at Salve Bayaban sa women’s 55-59 200m. May tanso rin si Bayaban sa 100m dash.

SABAH MASTERS ATHLETICS CHAMPIONSHIPS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with