NCAA games kanselado uli
Francisco Cagape (Pang-masa) - September 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa pagkansela ng klase sa buong Metro Manila, sinuspinde rin ng 95th NCAA Management Committee (Mancom) ang nakatakdang  six-game basketball schedule kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Kasama sa nakanselang laro ang pagtatagpo ng San Sebastian Stags (7-3) at Perpetual Help Altas (3-7) at St. Benilde Blazers kontra sa Mapua Cardinals (4-6) gayundin ang Jose Rizal Heavy Bombers (4-7) laban sa Arellano Chiefs (2-9).

Ipinagpaliban din ang mga laro sa junior’s division sa pagitan ng SSC-R Staglets (5-5) at UPHSD Altalettes (5-5) gayundin ang CSB-LSGH Greenies (6-4) versus Mapua Red Robins at ng JRU Light Bombers laban sa Arellano Braves.

“Due to the late suspension of classes, the games for Tuesday are cancelled and shall be played on a date and time to be determined later,” sabi ni Mancom head Peter Cayco ng host Arellano University.

Ang mga nakanselang mga laro ay itatakda pagkatapos ng mga laro ng second round ng elimination sa Oktubre 10.

Kung maganda na ang panahon bukas, tuloy ang aksyon sa paghaharap ng San Beda Red Lions at Jose Rizal Heavy Bombers sa unang laro sa alas-2 ng hapon gayundin ang sagupaan ng Arellano Chiefs at Perpetual Help Altas sa alas-4 sa The Arena sa San Juan City.

NCAA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with