Blackwater yuko sa SK Knights
JBulanday (Pang-masa) - September 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Yukod ang Blackwater sa unang salang nito kontra sa Seoul SK Knights, 77-93 sa pagsisimula ng 2019 East Asia League Terrific 12 kahapon sa Tap Seac Stadium sa Macau.

Ininda ng Elite ang pagkawala ng mga pambatong players na sina Ray Parks Jr. (achilles) at Mike DiGregorio (flu) nang maiwan agad ito sa 26-43 sa ikalawang kanto.

Subalit sa likod ng dalawang imports na sina Alex Stepheson at Marqus Blakely, nakabalik ang Elite nang makatabla pa ito sa 46-all bago tabunan ng Knights sa second half.

Bumida sa Seoul ang import na si Jameel Warney na naglista ng muntikang triple double na 26 puntos, 14 rebounds at walong assists habang may 18 markers at 8 boards naman ang isa pang reinforcement na si Aaron Haynes.

Umalalay sa kanila ang tirador na si Kim Min-Soo sa kanyang 18 puntos sa apat na tres.

Sa kabilang banda, nauwi sa wala ang 22-point, 22-rebound double double ni Stepheson para sa Elite gayundin ang 14 markers ni Marqus Blakely.

Tanging si Paul Desiderio lamang ang nakapagpasiklab sa local players ng Blackwater sa naitala niyang 12 puntos.

Susubok ang Elite na makabawi ngayon kontra sa Chiba Jets upang mapanatiling buhay ang pag-asang makapasok sa Final Four ng prestihiyosong Asian invitational tourney sa pagitan ng pinakamagagaling na ball clubs mula sa Group A.

Samantala, habang isinusulat ang balitang ito ay naglalaban pa ang San Miguel at Shenzhen Aviators sa Group B kasunod ang laro ng Talk ‘N Text at CBA champ na Liaoning Flying Leopards sa Pool D action.

EAST ASIA LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with